Lunes, Enero 03, 2011
MENSAHE SA BAGONG TAON 2011
Evangelist Emmanuel Salvador
Mananampalataya sa Panginoong Diyos na si Jesu Kristo:
Nais mo bang maranasan sa bawat araw ng bagong taong ito ang kabutihan at katapatan ng Panginoon ng Banal na Kasulatan? Walang pasubaling nais mo ang Kanyang kabutihan sa yong buhay. Nararapat na malaking “OO” at AMEN! ang katugunan sa katanungan binangit, walang iba.
Nais mo rin bang matiyak ang patuloy na pag-papala, pag-iingat, pangangalaga, patnubay at pangunguna sayo at sa yong sambayanan sa bawat sandali, araw, linggo at buwan ng bagong taong 2011 ng Panginoong Diyos na si Jesu Kristo?
Ninanais at tunay na kalooban ng Panginoong Jesus na ang lahat ng mga dakila at mahalagang mga pangako NIYA sa Banal na Kasulatan
2 Peter 1:4 (King James Version)
4Whereby are given unto us exceeding great and precious promises:
Aking sariling salin sa pananalitang Pilipino: “Na ipinagkaloob sa ating mananampalataya ang mga dakila at mahahalagang mga pangako”: ng Diyos na si Jesu Kristo na ating Panginoon!
ay ating makamtan at maangkin samakatuwid bagay maranasan ng walang pasubali, upang lahat ng kaluwalhatian at karangalan ay sa Panginoong Diyos na si Jesu Kristo lamang madulot, hindi sa sinumang tao o diyos-diyosan lamang na gawa ng kamay ng tao (Isaiah 42:8; 1 Corinthians 10:31; Colossians 3:17 KJB).
Purihin ang Kanyang Banal na Pangalan!
Isaiah 42:8
8I am the LORD: that is my name: and my glory will I not give to another, neither my praise to graven images.
Aking sariling salin sa pananalitang Pilipino: “Ako ang Panginoon: yan ang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi Ko kailan man ipagkakaloob sa sinumang tao, o maging sa kapurihan ng mga diyos-diyosang inanyuhan”.
1 Corinthians 10:31
31Whether therefore ye eat, or drink, or whatsoever ye do, do all to the glory of God.
Aking sariling salin sa pananalitang Pilipino: “Kaya ngat kung kumain man kayo o uminom, o anuman ang inyong gawin, gawin nyo ang lahat para sa kaluwalhatian ng Diyos”.
Colossians 3:17
17And whatsoever ye do in word or deed, do all in the name of the Lord Jesus, giving thanks to God and the Father by him.
Aking sariling salin sa pananalitang Pilipino: “At anuman ang inyong gawin sa salita o sa gawa man, gawin nyo ang lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus na mayroong pagpapasalamat sa Diyos na ating Ama”.
Kaya nga Mananampalataya. Ikaw na Anak ng Diyos dahil si Jesus ang yong Panginoon (John 1:12; Romans 10:9):
BUONG PUSO KANG MAGTIWALA LAMANG SA PANGINOON!
Nahum 1:7
7The LORD is good, a strong hold in the day of trouble; and he knoweth them that trust in him.
Aking sariling salin sa pananalitang Pilipino: “Ang Panginoon ay mabuti, malakas na pananggalan sa araw ng bagabag o suliranin man; at kilala Niya ang nagtitiwala sa Kanya”.
Ang Panginoong tinutukoy ng Banal na Kasulatan ay ang Panginoong Diyos at Tagapagligtas na si Jesu Kristo (Luke 1:47);
Siya na nagkatawang tao (John 1:1-4);
Siya na lumalang ng langit at lupa (John 1:3; 10);
Siya na nagbubo ng Kanyang Mabisa at Makapangyarihang Dugo (Hebrews 9:12&14); Siya na namatay, inilibing at nabuhay na maguli (1 Cor. 15:1-4) upang ang taong makasalanan na tulad nating lahat, ay maaring magtamo ng kapatawaran sa ating mga kasalanan at tumanggap ng buhay na walang hanggan na na kay Kristo Jesus na Panginoon natin (John 6:47; Romans 6:23).
Puriihin ang Kanyang Banal na Pangalan!
Sa lahat ng mga haharapin mo sa Bagong Taon na ito: mga suliranin, pangangailangan sa pananalapi o anumang bagay man, sa lahat ng pagsubok sa buhay na walang tao na hindi dumaranas, at maging sa pagkakataong nabibingit ang buhay sa kamatayan:
MAGTIWALA KA LAMANG ANAK NG DIYOS SA BUHAY NA PANGINOONG DIYOS! MABUTI AT MATAPAT SIYA DAHIL KAILANMAN ANG KANYANG KATAPATAN AY HINDI NAGMAMALIW O KUMUKUPAS MAN LANG!
Lamentations 3:22-23
22It is of the LORD's mercies that we are not consumed, because his compassions fail not.
23They are new every morning: great is thy faithfulness.
Aking sariling salin sa pananalitang Pilipino: “Dahil sa mga kahabagan ng Panginoon kaya’t tayo’y hindi napahamak, dahil ang kanyang kabutihang loob ay hindi nagmamaliw”.
TUNAY NGANG NARARAPAT NA PURIHIN AT PASALAMATAN ANG ATING PANGINOONG DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS NA SI JESU KRISTO BAWAT ARAW NG 2011 AT KUNG MAGKAGAYON AY PIILIIN NATIN NA MABUHAY NG MAYROONG KATAPATAN AT PAGSUNOD SA KANYA NG WALANG PAG-AALINLANGAN!
ISANG PINAGPALA, MAUNLAD AT MAPAYAPANG BAGONG TAON 2011 SA LAHAT!
No comments:
Post a Comment